MAPA [Band] Lyrics



MAPA [Band]


Mama kumusta na 'di na
Tayo lagi nagkikita
Miss na kita sobra

Lagi nalang kami ang nauuna
'Di ba pwedeng ikaw muna
Akin na'ng pangamba

Dahil ikaw ang aking mata
Sa t'wing mundo'y nag-iiba
Ang dahilan ng aking paghinga

Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata tahan na
Pahinga muna ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mamapahinga muna
Ako na

Lataratara lataratara
Lataratara lataralata
Lataratara lataratara
Lataratara lataralata

Papa naalala mo pa ba
Nung ako ay bata pa diba
Aking puso'y 'yong hinanda sa
Mga bagay na buhay ang may dala
Dala ko ang 'yong bawat payo
At hanggang sa dulo magkalayo man tayo
Ako'y tatayo pangako tatay ko

Dahil ikaw ang aking paa
Sa t'wing ako'y gagapang na
Ang dahilan ng aking paghinga

Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata tahan na
Pahinga muna ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Papapahinga muna
Ako na

Lataratara lataratara
Lataratara lataralata
Lataratara lataratara
Lataratara lataralata

'Di ko na sasayangin pa'ng mga
Natitirang paghinga
Tutungo na kung sa'n naro'n ang mahalaga
At kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala
Pagka't dala ko ang mapa
Sa'n man mapunta alam kung sa'n nagmula oh

'Wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata
Tahan na pahinga muna
Ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mapapahinga muna
Ako na

'Wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata
Tahan na pahinga muna
Ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mapapahinga muna ako na


Lataratara lataratara
Lataratara lataralata
Lataratara lataratara
Lataratara lataralata

Lataratara lataratara
Lataratara lataralata
Lataratara lataratara
Lataratara lataralata


 

Post a Comment

0 Comments