What? Lyrics




What?

 Nagsimula na pero wala na 'kong balak na tapusin

'Di ibig sabihin 'pag 'di tinapos, ako'y hihinto na rin
Alam ko naman na 'di ako'ng pinaka-ano, magaling
Got no biz with all of you, please
Destiny's I'll be better and-

Lahat ng aking basura, uh
Pupulutin, laging dala
Kahit sa'n pa 'ko mapunta
Lapat sa lupa aking mga paa

Mahiwaga, bawat nakasarang bintana sa'kin dati
Lahat ngayo'y nagbubukas (oh-woah-oh-oh)
Daming sakuna, 'di ko ininda
Andito na ako sa wakas
What?

'Di na bala para iangat ang bandera
Bara na sa puso niyo na ang tatama (bang)
Ama, salamat at Ikaw ang agimat
Bawat banat, iwagayway mo'ng watawat

Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
'Di na magpapa-(what?)-paawat
Iwawagayway ang watawat

Pare-parehas lang tayong may pagkakaiba
'Di ba? Ika ni La, ibang mundo nakikita niya
Mabuting iba, 'di gaya ni La
Pikit ang mata, ang tama, wala, ha?
Bente-bente, paulit-ulit
Intelihente, subalit ngunit
Basag ang lente, pinunit-punit
Hinubog ng dalagang bakal, sirit, tsss

Lahat ng aking basura, uh
Pupulutin, laging dala
Kahit sa'n pa 'ko mapunta
Lapat sa lupa aking, alam mo na

Maniwala, darating ang mga biyaya
Higit pa sa lahat-lahat ng nawala (oh-woah-oh-oh)
Daming sakuna, 'di ko ininda
Hindi titigil hanggang sa wakas
What?

'Di na bala para iangat ang bandera
Bara na sa puso niyo na ang tatama (bang)
Ama, salamat at Ikaw ang agimat
Bawat banat, iwagayway mo'ng watawat

Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
'Di na magpapa-(what?)-paawat
Iwawagayway ang watawat

'Wag niyong sabihin sa'kin
Kung ano'ng aking dapat gawin
'Di naman kayo natutong makinig (oh-woah-oh-oh)
Sa'n man dalhin ng hangin
Ang aking yagit suot pa rin
'Di magpapanggap na ako pero hindi (oh-woah-oh-oh)

Daming sakuna, 'di ko ininda
Andito na ako sa wakas

(Tapusin na yan)
(Tapusin na yan)

'Di na bala para iangat ang bandera
Bara na sa puso niyo na ang tatama, ah

'Di na bala para iangat ang bandera
Bara na sa puso niyo na ang tatama (bang)
Ama (ama), sala-(salamat) at Ikaw ang agimat
Bawat (bawat) banat (banat), iwagayway mo'ng watawat

(Pilipinas)

'Di na bala para iangat ang bandera (ang bandera)
Bara na sa puso niyo na ang tatama (puso niyo na ang tatama, yeah)
Ama, salamat at Ikaw ang agimat (hallelujah)
Bawat banat (yeah), iwagayway mo'ng watawat (sakalam)

Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
Wa-wa-wa-wa-wa, watawat
'Di na magpapa-(what?)-paawat
Iwawagayway ang watawat

What?

Post a Comment

0 Comments